Descargar la presentación
La descarga está en progreso. Por favor, espere
1
Setyembre 08, 2009 Pantukoy at Pangatnig
2
Ayusin ang mga sumusunod mula sa pinakauna hanggang sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas.
Sergio S. Osmeña Sr. Fidel V. Ramos Manuel L. Quezon Gloria Macapagal Arroyo Diosdado Macapagal Joseph Estrada Corazon C. Aquino Manuel Roxas Emilio Aguinaldo Elpidio Quirino Jose P. Laurel Ramon Magsaysay Carlos P. Garcia Ferdinand Marcos
3
Tamang SAGOT!!! Emilio Aguinaldo Carlos Garcia Manuel L. Quezon Diosdado Macapagal Jose P. Laurel Ferdinand Marcos Sergio Osmeña Corazon Aquino Manuel Roxas Fidel Ramos Elpidio Quirino Joseph Estrada Ramon Magsaysay Gloria Macapagal-Arroyo
4
____ Erap at Gloria ay magkalaban sa kandidatura bilang pangulo.
2. ____ Elpidio ay isang guro bago mabigyan ng pagkakataong pumasok sa pulitika.
5
3. _____ lalawigan ng Batanes ay kilala sa kagandahan ng likas na yaman nito. 4. _____ lalawigan ng Bataan, Laguna , Pampanga at Tarlac ay ilan lamang sa walong lalawigang nakipaglaban sa digmaan noong Panahon ng pananakop ng mga Amerikano.
6
Pantukoy mga katagang laging nangunguna sa pangngalan at panghalip. Ito rin ay nagbibigay-linaw sa kailanan ng kasamang pangngalan at panghalip.
7
Uri ng Pantukoy Si at Sina – mga pantukoy na tiyak na pantanging ngalan ng tao. Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina ay ginagamit sa dalawahan at maramihan. 2. Ang at Ang mga – ang mga pantukoy sa pangngalang pambalana at pangngalang pantanging ngalan ng pook o bagay.
8
Pangatnig Mga salita o katagang ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala o sugnay.
9
Marami sa mga Pilipino ngayon ang umaalis ____ bumabalik sa sariling bayan.
Idagdag mo na ang paksang kolonyalismo ____ nasyonalismo sa iyong ulat. “Hindi ko na tatapusin ang aking takda ____ ang aking pagsusulit, wala rin namang mangyayari.”
10
“____ piso o singkong duleng hindi man lang tayo inabutan ng mamang iyon.”
“ _____ang iyong guro ay hindi panig sa iyong baluktot na pangangatwiran.” Kahit ang ina’y ______ ita’y ay hindi papayag sa iyog napagpasiyahan
11
Marahil tama ang paniniwala ng iyong kapatid __________ hindi ito akma sa sitwasyon na iyong hinaharap. __________ mahirap ang aming leksiyon susubukan ko pa ring makakuha ng mataas na marka.
12
________ hindi papayag ang iyong ina na ikaw ay sumali sa patimpalak sundin mo na lamang siya.
13
Mga Uri ng Pangatnig Pandagdag – nagsasaad ng pagdaragdag ng impormasyon. Kabilang dito ang at, saka at pati. Pamukod – ginagamit upang itanggi ang isa sa isa pang bagay. Ilan sa mga ito ay ni, maging at o.
14
Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaad ng pagsalungat
Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaad ng pagsalungat. Ang subalit, datapwat, at bagama’t ay ilan dito. Pagbibigay konklusyon o panlinaw- nagsasaad ng panubali o pasakali. Kabilang dito ang kung, kapag, at pag.
15
Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit at nagsasaad ng kadahilanan
Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit at nagsasaad ng kadahilanan. Ilan sa mga ito ang sapagkat, dahil, at palibhasa.
16
Pangungusap na may Panaguri at Paksa
Ang Pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay may dalawang panlahat na sangkap: ang panaguri at paksa o simuno.
17
Ang paksa o simuno ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ito ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap. Ang kinabukasan ay nakasalalay sa kamay ng mga boboto.
18
Ang panaguri ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Marami na namang tatakbong senador ang tatakbo sa pagkapangulo ngayong darating na eleksyon.
19
Barirala o Retorika Barirala– ang tawag sa agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang pagkakaugnay-ugnay. Mahalagang alam ng isang tagapagsalita at manunulat ang mga tuntuning nakapaloob dito.
20
Retorika – ang tawag sa mahalagang karunugnan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat.
21
Pagpili ng Wastong Salita
Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag. May mga pagkakataon na ang mga salitang tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop na gamitin. Tignan ang mga sumusunod na halimbawa.
22
Mali Tanaw na tanaw namin ang maluwang na bibig ng bulkan.
2. Bagay kay Ara ang kanyang makipot na bunganga. 3. Ginanahan sa paglamon ang mga bagong dating na bisita. 4. Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.
23
Wasto Tanaw na tanaw namin ang maluwang na bunganga ng bulkan.
2. Bagay kay Ara ang kanyang makipot na bibig. 3. Ginanahan sa pagkain ang mga bagong dating na bisita. 4. Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.
24
Tandaan din na sa ating wika ay maraming salita na maaaring pare-parehas ang kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak na gamit sa pahayag. Halimbawa: bundok, tumpok, pumpon, salansan, tambak kawangis, kamukha, kahawig samahan, sabayan, saliwan, lahukan
25
May pagkakataon din na kinakailangang gumamit ng eupimismo o paglulumay sa ating pagpapahayag kahit na may mga tuwirang salita naman para rito.
26
Halimbawa: namayapa sa halip na namatay palikuran sa halip na kubeta pinagsamantalahan sa halip na ginahasa
27
Takdang Aralin: Alamin ang tiyak na gamit ng mga sumusunod: 1. nang at ng 2. kung at kong 3. may at mayroon 4. din at rin, daw at raw 5. sila at sina, kina at sila
28
Wastong Gamit ng Ng at Nang
Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay. Halimbawa Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa pagsusulit. Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga panauhin.
29
2. Ang nang na nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito. Halimbawa Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga. Nangaral nang mahinahon si Bb. Agcaoili. Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
30
3. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit. suklay nang suklay mag-ipon nang mag-ipon nagdasal nang nagdasal
31
Ang gamit ng “ng” 4. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. Halimbawa Nag-aral siya ng liksyon. Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak. Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
32
5. Ang ng ay ginagamit sa pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. Halimbawa: Pinangaralan ng mga guro ang mga nahuling mag-aaral. Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.
33
6. Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. Halimbawa: Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang buwayang pulitiko. Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang makikinis.
34
Kung at kong Ang kung ay pangatnig na panubali at ito’y karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap. Halimbawa: Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung iisantabi ng mga pulitiko ang kanilang pamumulitika.
35
Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng. Halimbawa Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungang ang iyong sarili. Maaasahan sa mga gawain ang matalik kong kaibigan.
36
May at Mayroon Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip panao. Halimbawa: Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbigyan nito. May virus ang nahiram niyang usb.
37
Ang mayroon ay ginagamit kapag may nagpapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito. Halimbawa: Mayroon pa bang natirang ulam? Si Ella ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.
38
Sila at Sina, Kina at Sila
Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay panandang pangkayarian sa pangalan. Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na panandang pangkayarian. Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak. Sila ay mabuti mabubuting anak.
39
Din at Rin, Daw at Raw Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa patinig at sa malapatinig na w at y. Halimbawa: Si Stanley ay katulad mo ring masipag mag-aral. Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.
40
Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y. Masakit daw ang ulo ni Tess kaya hindi siya nakapasok sa klase. Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.
41
Pagbuo ng Pangungusap Kailangan ang kaisahan sa pangungusap para maging mabisa ito. Kung bawat bahagi ng pangungusap ay tumutulong para maihayag nang malinaw ang pangunahing diwa nito, masasabing may kaisahan ang pangungusap.
42
Tiyakin ang timbang na ideya at pareralismo sa loob ng pangungusap.
Narito ang ilang paalala upang matiyak ang kaisahan sa pagbuo ng pangungusap Tiyakin ang timbang na ideya at pareralismo sa loob ng pangungusap. Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng mga gamit ang mga napaalis na iskawater. Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang napaalis na iskwater.
43
2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap
2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap. Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina. Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina.
44
3. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan
3. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan. Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit at nahilig tayo sa kalayawan. Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit.
45
4. Iwasan ang pagsasama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap
4. Iwasan ang pagsasama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap. Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga bata kung gabing walang buwan at ng pagdadama ng mga lalaking walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakaaliw.
46
Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng taguan ng mga bata ay tunay na nakalilibang.
47
5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang panulong na sugnay. Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang aklat. Dahil sa ayaw ko sa aklat, hindi ko iyon binili.
Presentaciones similares
© 2025 SlidePlayer.es Inc.
All rights reserved.